Friday, June 03, 2005

Finally Found THE Florist!

the following is my post in my w@w yahoogroup about me booking a florsit today:

may florist na ako!!!

finally... at last... sa wakas... after interviewing four different
florists... i've found THE ONE! first of all, let me thank dear GRACE DY
for recommending YOLLY of TITA BETH's flowers to me. divine appointment
talaga that we bumped into each other, grace sa printed matter! sa iyo
ko nakuha si miss yolly.

super bait niyang kausap, malinaw at detalyado. hindi puro PR, hindi
puro pagbubuhat ng sariling bangko and she's also very organized. prompt
din sa mga mtgs. tho laging mas maaga ako ng 15 minutes than our
usapan, hehe.

they specialize in weddings talaga so alam niya if something's baduy
and not elegant. may mga request din kasi ako na sasabihin niya if over
decorated na, at ie-explain naman niya why, kaya nagkakaintindihan kami.
diba yung iba, para lumaki ang bayad sa kanila, kesehodang oa na sa
decor, go pa rin sila? si ms yolly, she'd be honest if OA na o exag na ang
mga kabulaklakan sa paligid, hehe.

sila nga pala yung nag-decorate ng set ng FOREVER IN MY HEART na soap
dati ni regine velasquez sa gma. inhouse din sila ng patio ibarra and
ibarra's garden. ay, plus point pa sa kanila is that, maraming tips kang
makukuha, not only sa flowers. pati sa how to make ur wedding more
organized. dami ko napupulot na ideas! pati nga yung flow ng tao from
ceremony to reception, sa kanya ko nakuha ang idea. natulungan niya ako
mag-isip when we went kanina to my venue to do ocular.

at ang pinakaimportante, affordable siya! hindi naman sadsad na cheap to
the point na too good to be true. pero reasonable. ako pa, eh budgeted
ang wedding namin at ang kuripot ko!

yun lang!

PS:

i forgot to mention in my previous post ABOUT MY FLORIST YOLLY OF TITA
BETH'S FLOWERS that she also uses roses, carnation, stargazer,
gerberas, button mums, etc. di tulad ng ibang mas murang florist na puro roses
at malaysian mums lang.

at di ka iiwanan b4 wedding kasi sila mismo magpi-pin ng butonniere sa
male ento, maghahand-over ng boquets sa female ento. so hindi mo na
poproblemahin kung kanino ba this nosegay and that.

happy happy me!

1 comment:

Anonymous said...

Hi Abi! Super helpful ng blog mo. I'm getting married in October and so far dami ko pang kulang as in! Anyway pwede mo po bang ipost yung contact details ng suppliers mo and prices nila? Please please!

Thank you,
Chat Cabrera