Sa blog ng kaibigan kong si datzitdatzol, sinulat niya kung paano niya hinahangad na mapadpad sa Fleet Street ang mga kinaiinisan, kinamumuhian niyang mga tao. Mga taong gusto niyang makadaupang-palad ang character ni Johnny Depp sa Sweeney Todd. Hindi ko napanood ang pelikula, mahina ang sikmura ko sa mga ganoong klaseng eksena, pero aaminin ko, sa mga pagkakataong nagagalit din ako, naiisip kong sana ay ipaghiganti ako ni God. Hindi naman ako umaabot sa pinagdarasal kong mapatay sila at gawing siopao. Ipaghiganti lang ako ni God, masayang masaya na ako.
Kung college pa ako, kapag may mga naapi, gusto ko silang tulungan at ipaghiganti. Sumasali ako sa mga rally. Nagpapakapaos ako sa pagsigaw sa mga kalsada. Ang kauna-unahang rally na sinalihan ko ay nuong first year college ako sa UP Baguio. Nilibot namin ang Session Road noon, pinaglalaban ang karapatan ng mga mahihirap, ng mga nawalan ng trabaho, ng mga kulang ang sweldo, ng mga tinanggalan ng scholarship, etc. Siguro kung hindi ako napasama sa Campus Crusade for Christ at naging busy sa mga evangelistic activities, isa na akong ganap na aktibista.
Ngayon, paminsan-minsan ay lumalabas pa rin ang aking pagiging aktibista. Kumukulo ang dugo ko kapag may mga nakikita akong minamaltrato, kinakawawa, iniitsapwera, inaapi. Kapag sinasamantala ang kabaitan ng mga kaibigan ko, pinagdarasal kong ipaghiganti ni God ang mga kaibigan ko laban sa mga power-tripping na mga tao sa buhay nila. Kapag nanonood ako ng news at may mga feature tungkol sa mga batang kinawawa o mga battered wife, hindi ako mapakali sa upuan ko. Nung isang linggo, papunta ako sa SM Taytay, may nakita akong isang lalaking may pinapalong aso… yung aso, may hila-hilang kariton na puno ng mga panggatong. Lawit na ang dila ng aso at tagilid na ang lakad niya. Parang dinurog at dinikdik ang puso ko. Hindi ako mapakali, awang-awa ako sa aso. Nagka-goosebumps ako at nahirapan akong huminga. Hindi ko makuhang walang gawin para sa aso. Nakita kong natatawa pa ang lalaki nang sumalampak sa kalsada ang kawawang aso sa sobrang pagod. Bibili na sana ako ng mineral water para painumin ang aso pero hindi ako makakita ng kahit maruming planggana kung saan maari siyang uminom. Nakita kong pinatayo siya uli ng lalaki at nagsimula na naman ang pagpapahirap. Kahit nagmamadali ako, nilapitan ko ang lalaki, sa abot ng aking makakaya, kinalma ko ang sarili ko at pinagsabihan ko siyang hindi ganoon ang tamang pagtrato sa aso. Nagulat ang lalaki, nang maka-recover na siya, sabi niya tine-train niya. Sabi ko tine-train para ano? Para maging kalabaw? Para maging laborer? Aso ho yan. Mas malakas pa ang katawan ninyo kesa sa kanya. Hindi makasagot ang lalaki, ngumisi lang at nilayasan ako. Nasa SM Taytay na ako, naiiyak pa rin ako kapag naalalala ko ang itsura ng aso. Kinagabihan, pinagdasal kong sana sa mga oras na yon, makatakas na ang aso at maging mas mabait na ang kanyang amo. Kung hindi nga lang bawal ang pet sa amin, aampunin ko yun, eh.
Kamakailanlang, may mga taong nang-iwan sa akin sa ere. Kinalimutan ang pagkakaibigan namin, walang kaabog-abog na nilaglag ako. In short, kinawawa ako. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi ko pinagdasal na ipaghiganti ako ni God. Huwag silang mag-alala, hindi ko sila kakalabanin. Pero si God ang bahala sa kanila. Sabi ng discipler ko noon sa UP Diliman, imprecatory prayer ang tawag sa prayer na ito. Yung isinasa-Diyos mo na lang ang paghihiganti. Yung hindi mo nilalagay sa sarili mong kamay ang batas. Yung full dependence kay God na Siya ang gagawa ng paraan para ma-Sweeney Todd ang mga nang-api sa iyo. Kaya sa inyong may kasalanan sa akin, eto ang dasal ko:
PSALM 35
1 Contend, O LORD, with those who contend with me; Fight against those who fight against me.
2 Take hold of buckler and shield, And rise up for my help.
3 Draw also the spear and the battle-axe to meet those who pursue me; Say to my soul, "I am your salvation."
4 Let those be ashamed and dishonored who seek my life; Let those be turned back and humiliated who devise evil against me.
5 Let them be like chaff before the wind, With the angel of the LORD driving them on.
6 Let their way be dark and slippery, With the angel of the LORD pursuing them.
7 For without cause they hid their net for me; Without cause they dug a pit for my soul.
8 Let destruction come upon him unawares; And let the net which he hid catch himself; Into that very destruction let him fall.
9 And my soul shall rejoice in the LORD; It shall exult in His salvation.
10 All my bones will say, "LORD, who is like Thee, Who delivers the afflicted from him who is too strong for him, And the afflicted and the needy from him who robs him?
11 Malicious witnesses rise up; They ask me of things that I do not know.
12 They repay me evil for good, To the bereavement of my soul.
14 I went about as though it were my friend or brother; I bowed down mourning, as one who sorrows for a mother.
15 But at my stumbling they rejoiced, and gathered themselves together; The smiters whom I did not know gathered together against me, They slandered me without ceasing.
16 Like godless jesters at a feast, They gnashed at me with their teeth.
17 Lord, how long wilt Thou look on? Rescue my soul from their ravages, My only life from the lions.
18 I will give Thee thanks in the great congregation; I will praise Thee among a mighty throng.
19 Let not those gloat over me who are my enemies without cause; let not those who hate me without reason maliciously wink the eye.
20 For they do not speak peace, But they devise deceitful words against those who are quiet in the land.
22 Thou hast seen it, O LORD, do not keep silent; O Lord, do not be far from me.
23 Stir up Thyself, and awake to my right, And to my cause, my God and my Lord.
24 Judge me, O LORD my God, according to Thy righteousness; And do not let them rejoice over me.
26 May all who gloat over my distress be put to shame and confusion; may all who exalt themselves over me be clothed with shame and disgrace.
27May those who delight in my vindication shout for joy and gladness; may they always say, “The Lord be exalted, who delights in the well-being of his servant. 28 And my tongue shall declare Thy righteousness And Thy praise all day long.
No comments:
Post a Comment