extra challenge talaga itong paghahanap ng florist! today i met with the fourth florist on my list. haaay, kapagod na ito! paulit-ulit kong ie-explain ang flower requirements ko, ang mga designs na gusto ko sa venue, etc.
the first florist, i'd be blunt... is walang kakwenta-kwenta. walang katorya-torya. tipong ganito:
abi: hindi mo ba isusulat yung mga requirements ko?
siya: ay, oo nga.
abi: may paper ka?
FLORIST 1 rummages thru her bag. no paper produced.
abi: i need din kasi this paper, eh. dito nakalista yung ento ko, and other info.
FLORIST 1 makes hagilap pa rin sa bag. finally, may mahahagilap na maliit at gula-gulanit na resibo.
siya: eto, pwede na siguro 'to.
FLORIST 1 tries to straighten out the gula-gulanit na paper.
siya: may ballpen ka? peram ha?
she then starts to scribble, pero very uncertain pa rin.
siya: ano-ano nga ulit yung requirements mo sa flowers?
and that was after i've explained everything to them na, after we did ocular na... haler?! nakikinig ba siya in the first place?!
grrr, waste of time and money talaga na ni-meet pa namin siya! fortunate pa nga si romy, once niya lang na-meet. ako, twice pa! hmp, bakit ba kasi nakilala ko pa yun!
No comments:
Post a Comment