Sabi ng OB ko, don’t let the baby control you. You’re the parent, you should learn to be in charge. Sabi ng Babywise na book, doable daw na ngayon pa lang makapag-set na ng sleep and feeding routine para sa baby. Itong mga sinabi nila, example ng “madaling sabihin, mahirap gawin.” Minsan nga, feeling ko, imposible gawin.
In fact, as I write this, super nagmamadali ako. Nagmamadali mag-type at the same time kino-control na wag masyado maingay ang lagapak ng daliri ko sa keyboard at baka magising na ang amo ko, este, ang anak ko.
Pag nakahiga ako, kung ano-anong blog entry ang gusto kong isulat, pero puro hindi ko nagagawa kasi wala akong time. No, hindi ako nagsusulat ng mga scripts ngayon dahil naka-leave ako, pero gosh, mas busy pa ata ako ngayon kesa nung mga panahong nagsusulat ako ng Mulawin, Darna, Habang Kapiling Ka, etc.
Parang lagi akong on-call, hindi naman ako duktor. Parang kapag gising na ang baby ko, wala na akong ibang pwedeng asikasuhin. Pag tulog naman siya, at feel niyang maiksi lang ang tulog niya, patay tayo diyan! Isang subo pa lang ako ng lunch ko (na inaakyat na nga lang ng maid naming sa kwarto, yes, di na ko makapag-lunch downstairs at all), nagsisimula na siyang magising! Pababa pa lang ako para maligo, nagbabadya na siyang mag-hello kay mommy. Magbubukas pa lang ako ng computer, nag-iinat na siya!
Sa totoo lang, ngayon ko nga lang naranasan kumain ng parang hinahabol ng tren, o mag-cr na ayaw kong isara ang pinto para marinig ko pag umiyak si Aliya. Minsan nga, kumain ako mag-isa sa Shakey’s (nung nag-day off ako sa Megamall, last day ng Ramadan) at nung may nagtawanan nang malakas, nagulat ako, hindi na kasi ako sanay na may nagtatawanan nang malakas. Akala ko kasama ko si Sliya nung mga time na yun at bawal magtawanan nang malakas. Nung may nabasag na baso, nagulat na naman ako, hindi na talaga ako sanay na pwedeng mag-ingay.
Ano ang point ng blog entry na ‘to? Wala lang. Para lang masabing, yehey, pinagbigyan ako ng anak ko at nakapag-computer ako! Yun lang.
1 comment:
hi sis abi!
i can clearly relate to this! ganito din ako noon when my baby was a few weeks/months old.
Post a Comment