Thursday, November 29, 2007

Kapag Nakita Ko Siya

Mayroon akong kaibigan, pero hindi na ngayon. May mga bagay na hindi kami pareho ng pananaw, pero nagkakasundo kami. But things changed, mostly for this person. dumami ang pera niya, naabot niya ang mga pangarap niya. Nagkaroon siya ng mga impluwensiyang kung ako ang tatanungin, hindi ako agree. Nagbago ang pagkakaibigan namin, unti-unti kaming nagkakalayuan ng loob. Pero lagi ko siyang pinagdadasal, kasi nakikita ko kung paano niya tratuhin ang mga kaibigan ko.

Ngayon, kung paano niya tinrato ang ga kaibigan ko, ginawa na rin niya sa akin. iniwan niya ako sa ere. Kinalimutan niya ang pinagsamahan namin.

May kaibigan akong nagtanong, paano kung isang araw, magkasalubong kayo? Anong gagawin mo? Sa totoo lang? Ewan ko. definitely hindi ko siya iiwasan. Pero kung anong sasabihin ko sa kanya, hindi ko pa alam. Sa dami ng hinanakit ko, ewan ko kung ano ang sasabihin ko at ano ang hindi.

1 comment:

Unknown said...

sana we're not talking about the same person...i used to have a close friend din, same situation, same ugali, same halos lahat. hindi ko din siya iniiwasan pero ayoko siya makita habang buntis ako... dahil ayoko ma-stress hahaha!