Ayon sa traveltips.usatoday.com, mayroon daw subtle difference between travel and vacation. Kalimitan, ang bakasyon ay nangangahulugan ng “escape,” samantalang “travel may offer the opportunity for total immersion to a different culture.” Sang-ayon ako sa nakasulat na ito, dahil sa tuwing kami ay bumabyahe, it’s not only about where we went and what we saw, kundi pati na rin ang kung ano ang natutunan namin sa byaheng iyon. At dahil sa nasa stage ang aking anak na hinuhubog namin ang kanyang people skills at confidence, travel provides learnings that she cannot get if her exposure is limited only to nearby shopping malls.
Kaya naman excited kami nang ma-book namin ang aming trip to Singapore, dahil isa uli itong pagkakataon upang mabuksan ang mata niya, at pati na rin naming mag-asawa sa isa na namang bagong kultura. As usual, I booked through my trusty travel agent, ang Scorpio Travel and Tours sa Ortigas. At dahil kampante na ako sa credibility nila, via email na lamang kami nag-coordinate ni Lyn Galon. Weeks before the flight, todo research na ako sa internet (especially sa tripadvisor.com) ukol sa mga maaring puntahan. Number one on our list is Universal Studios at ang Sentosa. Dahil kakagaling lamang namin sa Hongkong the year before, particularly sa Ocean Park, we intentionally skipped the zoos, plus we observed that our daughter still cannot appreciate “the wild” nang magpunta kami sa Manila Zoo.
We stayed in Park Sovereign Hotel, walking distance from Bugis Junction. Happy ako dito dahil I love tiangges. Bugis Market has a lot of bargain stalls, food stalls kaya naman unang araw pa lamang namin sa Singapore ay nangalahati na ako sa pasalubong items na pinamili. Matuturing ko ring safe ang area na ito dahil kahit dis-oras ng gabi ay nakakapaglakad kaming mag-anak para mamili, kumain, at bumili ng bottled water sa 7-11.
Ilan sa mga good purchases naming sa Bugis ay ang foldable Singapore bags na nagkakahalagang S$100 for three pieces, ang Merlion chocolates with almonds which is also S$100 for three boxes (each box contains 12 Merlion-shaped chocolates), mga champoy, chips, pens, keychains at ref magnets.
Ang mga cold fruit drinks cost SG$1 each. Ilan sa mga natikman namin ay ang Wintermelon drink, Strawberry drink, at Avocado. Masarap na pampalamig sa mala-Pilipinas na klima sa Singapore. Na-enjoy din ng aking asawang si Romy ang mga sliced fruits na nabibili sa bungad ng Bugis Market. Very convenient dahil wala naman kaming baong kutsilyo kaya’t ang mga ready to eat durian, pakwan at kiwi solved the fruit trip we crave for. Isa pa sa maganda sa hotel kung where my travel agent booked us was there was a hawker’s center beside it, and a convenience store just outside it. Nagulat din kami dahil while we were ordering sa hawker’s center, nakita ng asawa ko ang isang family friend! Actually, during our 4 day stay there, tatlong kaibigan ni Romy ang nakita namin! Totoo ngang maliit lamang ang Singapore at napakaraming Pilipino doon!
The next day, there was a Dragon Dance at the lobby of our hotel. Kahit nuong elementary pa lang ako ay sanay na ako sa mga dragon dance dahil dinadala kami ng father ko sa Masangkay sa Binondo tuwing Chinese New Year, amazed pa rin ako tuwing may napapanood akong ganito. Lalo na’t at the time of our travel to Singapore, 7 months pa lamang na kauuwi ng father ko sa heaven. Kaya’t lalo ko siyang na-miss dahil alam kong lahat ng mga nakikita ko sa Singapore ay mga gusto niya ring makita. Halos lahat ng naroon sa Singapore ay nakakapagpaalala sa akin about him, dahil isang pure Chinese ang aking ama.
Pagkatapos ng Dragon Dance ay sinundo na kami ng private coach papuntang Universal Studios. Sa bungad pa lang ay damang-dama ko na ang excitement. Paano ba naman, dati ay nakikita ko lang sa litrato at mga pelikula ang malaking globe na siyang logo ng Universal Studios subalit ngayon ay kaharap na namin ito. Dahil rotating ang globe at may fog around it, paulit-ulit kaming kumuha ng shots para lang makakuha ng magandang anggulo, at para maging readable ang words na Universal Studios, hehe.
Ang Universal Studios ay nahahati sa seven zones, namely; Hollywood, New York, Sci-fi City, Ancient Egypt, Lost World, Far Far Away, at Madagascar. Tulad sa Disneland na may inaabangan na parade, dito ay mayroon din sila at tinatawag itong Hollywood Dreams Parade.
Ilan sa mga mascots na aming nakita at nakapag-photo op ay sina Woody Woodpecker, Poh of Kung Fu Panda, Marilyn Monroe, Betty Boop, Frankenstein, Puss in Boots at ang cast ng Madagascar. Bagama’t hindi familiar ang aming then 4 yr old daughter na si Aliya sa mga characters na ito, natuwa siya lalo na sa Madagascar. Once again, naging educational para sa kanya dahil hanggang ngayon, one of her memories of Universal Studios ay si Marilyn Monroe. To complete the Hollywood feel, a group of guys performing Beach Boys songs can be seen just outside a Hollywood-inspired diner.
The Madagascar cast also performs regularly and allows photo ops without much hurry. Isa sa mga highlights ng aming pagpunta dito ay ang Crate Adventure. Very entertaining both for kids and kids-at-heart. King Julien’s Beach Party Go-Round is another must-try for younger kids.
Another attraction we enjoyed a lot was in Far Far Away. Bagamat mahaba ang pila ay worth naman ang Shrek 4D Adventure at ang Donkey Live. Mayroon din ditong roller coaster na tinatawag na Enchanted Airways. Ang palasyo nina Fiona ay isa sa mga landmarks dito that you will surely want to have a picture in. Hindi nga lang nagpakita si Shrek at Fiona mascots when we were there kaya’t kay Puss in Boots na lamang kami nagpa-picture.
Isa sa personal kong paborito ay ang restaurant sa Lost World dahil ang ceiling nito reminds me of that scene in Jurassic Park kung saan dumaan ang dinosaur at nag-shake ang gelatin. Isa rin sa gusto ko sanang ma-experience ay ang Transformers the Ride subalit sa sobrang haba ng pila ay kailangang maghintay ng 1 hour 45 minutes for my turn. Nagkasya na lamang ako sa pakikinig sa tilian ng mga taong nasa ride na ito. Sa Ancient Egypt ay pinipilahan din ang Revenge of the Mummy, at talaga namang in character ang Army of Anubis at ang Egyptian army. Nakapagpa-litrato rin kami sa isang Brendan Fraser look alike, portraying The Mummy’s lead character, Richard “Rick” O’Connell.
On our third day, we were picked up by the tour bus very early for our half day city tour. Ilan sa mga pinuntahan namin ay ang Merlion, a couple of temples, The Singapore Gems and Metals Co., at ang National Orchids Garden. The nice thing about availing of private transfers, tour bus services and city tours is that you pay for it while in the Philippines, wala nang poproblemahin pang baka hindi magkasya ang pocket money. Pero ang disadvantage naman nito ay gahol na gahol ka sa oras. Tulad na lang sa first stop namin, which is the Merlion. As in 15 minutes lang ang allotted time for us to see the view, take pictures and visit the loo. To think that this is one of the landmarks of Singapore, bitin talaga ang feeling ko. Muli, nasenti na naman ako about my dad when we went to the gems factory and showroom. One of my dad’s hobbies was designing and making jewelries. Some of our heirloom pieces he handmade when I was a kid. Kung buhay lamang siya at malakas pa, masarap sanang ipasyal siya sa lugar na ito.
Sa National Orchid Garden ay nag-enjoy naman ang asawa kong mahilig sa mga halaman. He being the one who has a green thumb, happy siya sa lugar na ito, habang bored na bored naman si Aliya. Napakalawak ng garden na ito at kulang ang 40 minutes na binigay sa amin para maglibot. Talagang tumatak sa amin ang harassed state na ito kaya’t nang sumunod na bumyahe kami ay nag-DIY (do it yourself) tour na lang kami, lalo’t malaki na ang aming anak, mas malakas na ang loob naming maging mas adventurous.
We proceeded to Little India afterwards, but didn’t stay long here. Pagbalik sa hotel ay nag-swimming ang aking mag-ama sa pool doon habang ako ay pumuslit uli papuntang Bugis para mamili. Enjoy na enjoy si Aliya at ni hindi man lamang niya ako hinanap. Oh, and did I mention na pumasyal din kami sa Orchard Road pero dahil hindi kami mahilig sa branded na gamit (read: kuripot kaming mag-asawa, hehe), nag-window shopping lang kami doon.
Kinagabihan ay pumunta kami sa Sentosa. Napakalaking island ng Sentosa kaya’t hindi kayang libutin nang ilang oras lamang. Mula Vivo City ay kumuha kami ng ticket para sa sky train going to Sentosa. May apat na istasyon ito and for this particular trip, we were only able to drop by 2 stations. We watched the highly recommended Songs of the Sea, ate in a McDonalds there, and strolled at the shore.
We planned to stay at the hotel and do last minute shopping on our fourth day, but a good friend of Romy invited to bring us out before we head for the airport. Bimbo and his wife Evelyn and son Christian picked us up and brought us to Marina Bay Sands. They treated us to the Sky Park (Adult tickets at S$20 each while Child pass costs S$14 each) It was exhilarating to be up there. The website, marinabaysands.com says it stretches longer than the Eiffel Tower when laid down, or four and a half A380 Jumbo Jets. We took our time taking in the view, taking photos, and snacking up there. Hindi rin namin napigilan an gaming mga sarili na mag-avail ng framed photos na kuha ng kanilang inhouse staff.
Ayon sa Wikipedia, “The SkyPark is home to the world's longest elevated swimming pool,[36][37] with a 146-metre (478 ft) vanishing edge, perched 191 metres above the ground. The pools are made up of 422,000 pounds of stainless steel and can hold 376,500 gallons (1424 cubic metres) of water.”
Muli, napatunayan namin kung gaano ka-generous at hospitable ng mga Pinoy. As if the tour to Marina Bay wasn’t enough, Bimbo and Evelyn even treated us to lunch. Kung hindi nga kami nagmamadaling pumunta na sa airport to catch our flight back home, kung saan-saan pa nila gustong magyaya.
All in all, our trip to Singapore was worth it. Bitin dahil marami pa kaming hindi napuntahan nung taong iyon, kaya naman we went back a year after. And as expected, we took a lot of pictures, bought a lot of keychains and ref magnets, and brought home lots of happy memories that we’ll cherish for a long long time.
No comments:
Post a Comment