ng sumusunod ay ang mga basic requirements na hinihingi at the start of the school year. Kung ilan ang dapat bilhin (tulad ng mga kwaderno) ay depende sa required ng teachers. Sa checklist na ito, maaring may mga kulang, at maari ring may mga hindi kailangan. Adjust to what your student really needs.
Isang kahon ng Pencils
Ballpens
Isang kahon ng crayons
Water Color and Brush
Glue/glue sticks
Eraser
Sharpener
Pencil case
Scissors
Ruler
Notebooks
Pad of Lined Paper
Folders (Short and Long)
Fasteners
Envelope (Brown and Plastic, Short and Long)
Oslo Paper
Bond Paper
Pocket dictionary
Thesaurus
Calculator
Stapler, Staple remover
Correction Fluid/ correction pen
Hand wipes/ hand sanitizers
School Bag (with or without stroller)
Lunch bag or lunch box
No-spill drink container
ID Cord
School Uniform
PE Uniform
School Shoes
Sneakers for PE Class
Socks and other underwear
Face Towel
Comb
Hindi na nga yata natin mababago na ang opening of classes dito sa ating bansa ay alinsabay din sa hudyat ng tag-ulan. Kaya naman hindi dapat mawala sa listahan natin ang bilhan ng tama at sapat na proteksyon sa ulan ang ating mga bagets. Narito ang mga must-haves sa tag-ulan.
Raincoat – tendency nating bumili ng one or two sizes bigger dahil iniisip nating kalalakihan lang naman ito ng ating mga anak. Pero personally, hindi ko makalimutan how I hated the feeling of wearing my plastic raincoats way back in elementary and highschool dahil maliban sa mainit sa katawan ang mga ito ay ang laki-laki pa ng binibili ng parents ko para sa akin. Lalo na kapag nakasuot sa ulo ko ang plastic hood at tatawid ako sa kalsada, takip ang buong mukha ko dahil sa laki at tigas ng material ng hood! Thank God never naman akong nasagasaan! Make sure you get those that fit comfortably and those with hoods that move with the head.
Rainboots – exciting para sa akin nuong bata pa ako ang maglakad sa baha. Pero syempre, hindi advisable na basain ang aking “charol” black shoes and white socks. Kaya naman very convenient ang mga bota, kahit na ba mabigat sila sa paa.
Plastic Shoes/Gelly Shoes – kung hindi komportable ang mga chikiting sa bota, try making them wear these gelly shoes. They are light, waterproof and molds to your feet’s shape.
Payong – cute sana ang mga five-fold umbrellas pero sa mga panahong bumabagyo na, hindi maaasahan ang karamihan sa mga ito. Invest in the long umbrellas that give better coverage and protection.
Jacket – kung proteksyon sa ulan ang kailangan, mas makakabuting waterproof jackets ang bilhin. The more pockets, the better.
Tandaan, hindi kailangang mamahalin o bago lahat ng gamit sa pagdating ng pasukan. Ilan lamang sa mga tipid tips ay ang sumusunod:
1. I-check kung kasya pa ang school uniform from last year. Kung kasya pa o pwede pang i-repair, fight the temptation of buying a new one. Naririnig ko noon sa mother at mga tita ko na pinasosobrahan nila ang tela kapag nagpapagawa sila ng uniform naming magpi-pinsan upang pwede pang luwagan o habaan sa mga susunod na taon.
2. This is basic shoe care. Tuwing hapon, o gabi pagkatapos gamitin ang sapatos, hayaan munang nahahanginan at huwag ipasok sa kahon nang madumi. Huwag hayaang naiipon ang putik, alikabok, pawis at amoy sa sapatos. A wet wash cloth would do for quick everyday clean-ups. To prevent odor, soak a ball of cotton in alcohol and insert in the shoe. The more you take care of your shoes, the longer they will last… thus, the less likely you have to buy a new pair.
3. Sigurado, may mga pahina ang mga old notebooks from the last school year na hindi pa nagagamit. Bakit hindi tanggalin ang mga ito from their original binding, ipunin ang lahat ng unused pages from other old notebooks saka tahiin ng yarn. Voila, my new notebook ka na!
4. At ang pinakatipid sa lahat, huwag mahiyang gumamit ng mga hand-me-downs. Mga bigay ng mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay. Kung malinis, maganda at maayos pa, bakit itatapon na, hindi ba?
Sa panahon ngayon, ang pagiging matipid ay hindi nangangahulugan ng pagiging kuripot, kundi ang pagiging resourceful and wise. Ang mahalaga ay nakakapag-aral ang iyong mga bagets dahil sa pagpupursige mo. Malay mo, ang pinapag-aral mo pala ngayon ay ang magiging movers and shakers of this nation in the future!
No comments:
Post a Comment