Wednesday, February 01, 2012

The Divisoria Experience

Nuong bata pa ako, ang ideya ko tungkol sa Divisoria ay isang malayo, mainit, masikip na lugar kung saan kailangan kong mag-ingat sa naglipanang mga mandurukot, at kapag uwian na’y malagkit at mabaho ang pakiramdam. Not to mention, masakit ang ulo sa tindi ng araw. Whew! Puro negative, noh?

‘Yan ay nuong hindi ko pa naa-appreciate ang Divisoria. Pero simula nang magtrabaho ako’t nagkaroon ng limang barkadang babaeng mahilig bumili ng tela sa Tutuban, na-realize kong hindi naman pala dapat katakutan o iwasan ang Divisoria. For the first 2 trips, buong barkada kaming pumupunta doon mula sa opisina namin sa Ortigas. Pero nang kalaunan, natuto na akong pumunta mag-isa. Pero Cluster Mall at Tutuban Center lang ang kaya kong suyurin nuon. Duwag pa akong mag-experiment sa ibang katabing establishments.During my wedding preparations, doon ko natutunan ang pasikot-sikot sa Divisoria. Doon ako nagsimulang ma-inlove sa shopper’s haven na ito. At nang magkaroon kaming mag-asawa ng isang mini-grocery, sinasadya talaga namin ang Divi para bumili ng mga paninda. In fact, kahit sa pagbisita ko ng ilang beses sa Chatuchak sa Bangkok, na according to Wikipedia ay ang largest market of the world, mas at home pa rin ako sa Divi.

I’ve always loved going to flea markets. Likas na kuripot, naha-high ako kapag nakakakita ako ng mga stall after stall of inexpensive goodies. Feeling proud ako kapag may nahahalukay akong mura pero magandang damit sa tambak ng mga “sale.” At yan ang nae-experience ko kapag pumupunta ako ng Divi. In fact, sa pinakahuling pagpunta ko doon nitong buwan ng Mayo, sobrang ni-look forward ko siya na halos hindi ako agad nakatulog the night before, nililista sa utak kung ano ang mga bibilhin ko. Pag-uwi ko, naaalala ko pa rin ang ilang bagay na pinanghihinayangan kong hindi ko binili.

So, paano nga ba natin ma-e-enjoy ang Divisoria? Para sa akin, dapat may plano ka. May strategy. Para hindi sayang ang oras, para hindi doble ang pagod, para hindi mapabili ng mahal kung may mas murang mabibilhan pa pala. Through the past months, I have developed a fool-proof step-by-step plan kapag magdi-divi ako. Eto ang planong iyon, na baka makatulong sa inyo:

1. Go on a weekday. Mas kaunti ang tao, mas hindi siksikan. In my case, Lunes o Martes ako pumupunta. Iniiwasan ko lalo na ang Miyerkules dahil araw ng simba sa Quiapo, maraming taong namimili pagkatapos magsimba.
2. Start early. I always make it a point that I leave the house (I live in Cainta) before 9:30am. I take the LRT instead of the bus para mas mabilis ang byahe.
3. From Isetann Recto, sasakay ako ng jeep pa-Divisoria. Hindi ako bumababa sa Tutuban Mall dahil ang strategy ko lagi ay inuuna kong mamili sa malalayong building (168 Mall, Divisoria Mall) saka ako maglalakad pabalik sa bungad kung saan naroon ang Cluster Building at Tutuban Mall.
4. Kapag inip ka na sa traffic along Recto, at kung hindi na gumagalaw ang jeep na sinsasakyan mo, maari nang bumaba sa may McDo at lakarin ang papuntang Divisoria Mall.
5. By the way, mas maiging mag-commute na lang dahil pahirapan ang parking sa lugar na ito.

Ngayon, hindi naman kailangang puntahan ang lahat ng malls at kalsada sa Divisoria. Tulad ng nabanggit ko na, dapat may plano ka--- kasama diyan ay kung ano ang bibilhin. Heto ang isang tip: kung mga laruan at party needs ang hanap mo, the best ang Divisoria Mall. Sa ground floor, nanduon lahat ng mga laruan from Barbie dolls, to kotse-kotsehan, to pogs and text cards, to collectors figurines ng Ben-10, Naruto, Pokemon, etc. Banig-banig kung ibenta ang mga toy cars, play money, glitters, badges, etc. Ang mga cartoon character stickers ay pumapatak from P2.50 up. Kiddie wallets cost P5.50 up. Dito rin makakabili ng mga party hats, banners, balloons, piñata, loot bags items, at kung anu-ano pa. Sako-sako ng mga palto-platuhan, maliliit na kutsara’t tinidor, mga kupita at kung ano-anong laruan para sa bahay-bahayan ang matatagpuan din dito sa ground floor na mabibili ng per kilo. Hindi nga lang masisiguro ang quality ng mga ito lalo na matapos tayong ma-inform tungkol sa dangers imposed by the paints used on such toys.

Tip: Kung masyado kayong nalalayuan sa Divisoria Mall, may isang toy store din sa ibaba ng Cluster Mall at Alexis Marketing. Mas mahal nga lang nang kaunti ang mga ito.

Sa upper floors ng Divisoria Mall, mayroong mga clothes, bags and accessories but I personally find the selection in 168 trendier.

Bago tayo lumakad papuntang 168, though, madadaanan natin ang Tabora Street. Dito kung saan naglipana ang mga kitchen supplies tulad ng mga pots and pans, gas range, pandakot ng bigas, tongs, spatula… basta anything for the kitchen. Konting lakad pa along Tabora ay kung saan naman makaka-order kayo ng souvenir items for weddings, birthday parties, corporate give-aways. May mga gumagawa rin ng tarpaulin, invitations at banners. Dito rin sa Tabora nakapwesto ang mga tindahan ng mga lace, beads, ribbons, gift boxes at iba pang party-related items. At speaking of parties, narito rin ang mga pang-costume party ng mga chikiting tulad ng fairy wings, angel wings, bird wings, mascara, etc. Nagtitinda rin sila ng mga stuffed toys at some native items tulad ng abaniko, salakot, banig, sinamay at kung ano-ano pa.

Usually, from Tabora, tuloy na ako sa 168 Mall. Mas malawak ang choices dito pagdating sa mga damit, bags, shoes, accessories, kikay stuff. May mga shirts for men and women for as low as P100, at mga blouses na nagsisimula sa P250.00. Of course may mga 3 for P100 at P65.00 na mga kamiseta sa bangketa along Recto pero mas may quality ang mga nasa 168. Ang sikat ngayong ion-free sports watch na binebenta ng P100 each sa mga tiangge sa mga malls sa Ortigas ay nagkakahalaga ng 2 pieces for P130 sa 168. Ang mga hikaw, bracelets, at kung ano pang kakikayan ay mabibili sa P10 each, kahit anong disenyo! Dito sa 168, makakabili rin ng mga household items and décor, school and office supplies, electronics tulad ng cellphones, portable dvd players, mp5, at hardware items.

Malinis din ang food court sa 4th floor ng 168. Mayroong Jollibee, Rice in a Box, Greenwich, Reyes Barbecue, among others. Bagamat hindi spic and span ang restrooms, pwede na kumpara sa ibang public restrooms sa ibang karatig-malls.

From 168 pabalik ng Recto Ave, may mga nagtitinda ng Japanese corn (P35 per kilo), suha (3 for P100), broccoli (P50 per tali) at kung ano-ano pang gulay at prutas. Konting lakad pa at naroon ang hardware items at rolyo-rolyo ng cotton and polyester stuffing for pillows and stuffed toys. Sa pagbaybay ninyong muli along Recto Ave ay makakakita kayo ng mga interesting finds. Sneakers for P50, flipflops for P25, knapsacks from P150 above, payong for P50 above, underwear for P20, belts for P20, men’s pamporma shorts for P70 to P160, infant wear (mayroong 3 for P100). At dahil nalalapit na ang pasukan, naka-display din ang mga school uniform, school supplies, shoes, bags, etc. Ang mga spiral notebook na tig-P19.75 sa malls ay P9.00 lang sa divi.

Malamang, sa mga oras na ito ay gutom na uli kayo. Bakit hindi subukan ang mga ulam sa Sarap! Sarap! Sa ibaba ng Alexis Marketing along Recto. Malimit kaming kumain dito ng asawa ko dahil napakaraming choices ng ulam at mura pa. Magtiyaga nga lang maghintay ng mauupuan dahil palaging puno ang lugar na ito. Very friendly, alert and accommodating ang staff pero kung ikaw ang tipo ng hindi nae-enjoy ang pagkain dahil maingay ang paligid, this is not the place for you. Todo ang volume ng sound system nila at may walang kapagurang “barker” pa na nagtatawag ng costumers sa may entrance ng pwesto nila. Konting lakad at naroon ang Chowking for a more relaxed and airconditioned meal time.

Sa may ibaba ng Chowking, narito ang nabanggit ko na kaninang toy store kung ayaw mo nang kariring pumunta pa sa Divisoria Mall. Sandamakmak din ang mga mura sa Alexis Marketing kung saan laging ga-higanteng plastic bags ang bitbit ko sa tuwing namimili ako dito.

Kung tela naman ang hanap ninyo, pasok na sa Cluster Mall. Nang una kong na-realize na kayak o palang pumunta ng Divisoria many years ago, dito ako dumidiretso upang bumili ng tela na ipatatahi ko sa aming kustorera. Dito rin ang puntahan ng mga bibili o magpapasadya ng mga gowns. Sa 2nd floor, pag-akyat ng escalator, diretso na sa Pasilio H at doon ang sunod-sunod na mga pwesto ng mga gowns. Biro ninyo, a fully-beaded wedding gown can cost for as low as P5,000.00 only! Mother of the bride gowns and entourage gowns cost P3,000 and up, depende sa istilo at telang gagamitin. In fact, 3 years ago, nang ikakasal pa lang ako, ang mga flower girl gowns ay nagkakahalaga lamang ng P350 ++! Syempre, mayroon din ditong mga barong at coats para sa mga kalalakihan.

Ngayon, ewan ko lang kung matapos suyurin ang lahat ng lugar na nabanggit ko ay may lakas pa kayong mamili sa Tutuban Mall. It’s also worth the trip but I personally find their stuff more expensive. Pumapasok na lang ako dito upang magpahinga at magpalamig. Ilang minuto lamang ay tatawid na uli ako ng kalsada upang sumakay ng jeep papuntang Isetann-LRT, kung saan nagtatapos ang aking full day adventure sa Divisoria, ang isang lugar na alam kong babalik-balikan ko hanggang hindi nawawala ang aking enjoyment sa pagsha-shopping.

No comments: